COVID-19 cases sa bicol umabot na sa mahigit 49K makaraang maitala ang 601 na mga bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Pumalo sa 601 ang kabuuang bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon batay sa inilabas na ulat ng Deapartment of Health-Bicol.

Sa anim na mga probinsya sa rehiyon, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng sakit na umabot sa 241.

Sa naturang bilang, 105 nito ang mula sa Naga City; 25 sa bayan ng Pili; 15 sa lungsod ng Iriga; 12 sa bayan ng Cabusao; 11 sa Libmanan; sampo sa Ragay; walo sa Magarao; pito sa Milaor; anim sa Nabua; tag a-apat na kaso ang mga bayan ng Baao, Calabanga, Lupi, Pamplona at San Fernando; pawang may tatlong kaso ang bayan ng Sipocot at Bato; tagda-dalawa sa mga bayan ng Canaman, Goa, Pasacao at San Jose habang may tag-iisa ang mga bayan ng Balatan, Camaligan, Caramoan, Gainza, Minalabac, Ocampo, Siruma at Tigaon.

Pumapangalawa naman sa may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit kahapon ang Albay na may 136 na kaso. Sa nasabing bilang, 54 dito ang mula sa Legazpi City; 39 sa Daraga; tag pitong kaso ang Malinao at Tiwi; anim sa bayan ng Camalig; tagli-limang kaso ang lungsod ng Ligao, Sto. Domingo, Tabaco City; tatlo sa bayan ng Bacacay; dalawa sa Manito at tag-iisang kaso ang Guinobatan, Oas at Polangui.

Sa Camarines Norte, 78 ang mga naidagdag na COVID-19 cases kung saan 23 nito ang mula sa bayan ng Daet; 22 sa Jose Panganiban; 13 sa Labo; siyam sa San Vicente; pawang tatlong kaso sa bayan ng Talisay at Vinzons; dalawa sa Basud habang may tag-iisa ang mga bayan ng Mercedes, Paracale at Santa Elena.

Samantala, umabot naman sa 71 ang mga naitalang kaso sa islang lalawigan ng Masbate kung saan 47 dito ang mula sa Masbate City; 12 sa bayan ng Mobo; walo sa Aroroy; dalawa sa Cataingan at may tag-iisa ang Dimasalang at Uson.

Nasa 63 naman ang naidagdag sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 28 dito ang mula sa Sorsogon City; anim sa Prieto Diaz; tag-limang kaso ang Casiguran at Matnog; tag a-apat ang mga bayan ng Bulan, Bulusan at Irosin; tag da-dalawang kaso ang Donsol, Gubat at Juban habang may isa naman  sa bayan ng Sta. Magdalena.

Tanging 11 lang din ang naitala sa Catanduanes kung saan lima dito ang mula sa Virac; apat sa bayan ng San Andres at pawang isa lamang sa Baras at San Miguel.

Mayroon namang isang kasong nagmula sa labas ng Bicol dito naitala sa rehiyon.

Bunsod nito, umabot na sa 49,361 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 4,089 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 44 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 43,271 na ang bilang ng recoveries habang nananatili naman sa 2001 ang death toll dahil wala namang naitalang bagong pagkasawi dahil sa nakamamatay na sakit.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *