COVID-19 cases sa PH, sumipa pa sa 1.1-M mark; 7,174 new infections

Naitala ng Pilipinas ang 7,174 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang caseload sa 1,101,990.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa kabuoang bilang ng mga kaso, tanging 5.6 percent o 61,294 na mga kaso ang nanatiling active, kung saan karamihan sa mga pasyente ay mild hanggang sa walang sintomas sa 93.8 at 2.1 percent.

Kaugnay nito, mayroon namang 9,197 na mga bagong recoveries, dahilan para dumami pa ang kabuoang bilang ng recovery count sa 1,022,224, na 92.8 percent mula sa kabuoang infections.

Samantala, naiulat naman ang 204 na mga bagong fatalities, dahilan para tumaas ang COVID-19 death toll sa 18,472 o 1.68 percent ng caseload. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *