COVID-19 cases sa Pilipinas, lampas isang-milyon na

Lampas na sa 1-milyon ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas matapos maiulat ang karagdagang 8,929 infections.

Ang Pilipinas na ang ika-26 na bansa na nakaabot sa mahigit 1-milyon ang mga kaso, habang pangalawa naman sa Southeast Asia base sa running tally ng Johns Hopkins University.

Base sa tala ng Department of Health ay umabot na ang overall tally ng bansa sa 1,006,428, kabilang na ang 74,623 na aktibong kaso.

Hindi pa kasama sa bagong tala ng COVID-19 cases ang datos ng dalawang laboratory na bigong makapagsumite ng resulta sa itinakdang oras.

Mula sa bilang ng mga aktibong kaso, 95.4% nito ay nakararanas ng mild symptoms, 1.4% naman ang asymptomatic, 0.87% naman ang may moderate symptoms, 1.3% ang severe, habang 1% naman ang nasa critical condition.

Nadagdagan naman ng 70 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dulot ng COVID-19 na dahilan ng pagpalo ng death toll ng bansa sa 16,853.

Tumaas naman sa 914,952 ang bilang ng recoveries matapos ang paggaling ng karagdagang 11,333 na pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *