Categories: NationalTop Stories

COVID-19 cases sa Pilipinas, lampas isang-milyon na

Lampas na sa 1-milyon ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas matapos maiulat ang karagdagang 8,929 infections.

Ang Pilipinas na ang ika-26 na bansa na nakaabot sa mahigit 1-milyon ang mga kaso, habang pangalawa naman sa Southeast Asia base sa running tally ng Johns Hopkins University.

Base sa tala ng Department of Health ay umabot na ang overall tally ng bansa sa 1,006,428, kabilang na ang 74,623 na aktibong kaso.

Hindi pa kasama sa bagong tala ng COVID-19 cases ang datos ng dalawang laboratory na bigong makapagsumite ng resulta sa itinakdang oras.

Mula sa bilang ng mga aktibong kaso, 95.4% nito ay nakararanas ng mild symptoms, 1.4% naman ang asymptomatic, 0.87% naman ang may moderate symptoms, 1.3% ang severe, habang 1% naman ang nasa critical condition.

Nadagdagan naman ng 70 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dulot ng COVID-19 na dahilan ng pagpalo ng death toll ng bansa sa 16,853.

Tumaas naman sa 914,952 ang bilang ng recoveries matapos ang paggaling ng karagdagang 11,333 na pasyente.

BNFM Makati

Recent Posts

Electric Light Parade, isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng Electric Light Parade ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay bilang parte ng…

5 seconds ago

LTFRB, mag-iisyu ng special permits sa mga rutang walang nakapag-consolidate ng jeep

Maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permits upang payagan…

5 mins ago

BSP, naghigpit ng seguridad matapos na dagsain ng libo-libong claimant dahil sa umano’y tagong yaman

Naglabas na ng paglilinaw ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa libo-libong nagprotesta sa…

9 mins ago

Dalagita – na-coma dahil sa pag-inom ng milk tea nang 2 beses kada araw

Humantong sa diabetic coma ang isang babae mula sa China matapos makasanayang uminom ng dalawang…

20 mins ago

‘Bugas para sa taga-Roxas Ordinance,’ ginaduso sa City Council

Ginaduso sa City Council ni Councilor Gary Potato ang ordinansa nga bugas para sa taga-Roxas…

21 mins ago

‘Unity’ – solusyon sa kagutuman

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi imposibleng maabot ang pangarap nitong “walang nagugutom” sa…

27 mins ago