COVID-19 cases spike sa labas ng NCR, posibleng tumagal ng 1 buwan – OCTA

Posible umanong tumagal ng isang buwan ang pagsipa ng COVID-19 cases sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas. 

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, aabutin ng dalawang buwan para ma-contain ang nagdaang case spikes sa Metro Manila at Cebu City.

Aniya, para sa isang maliit na LGU, isang buwan inaabot ang surge, pero minsan ay pwedeng umabot ng hanggang dalawang buwan kahit na may heightened restrictions. 

Mababatid na sa monitoring report ng OCTA, tinawag na “areas of concern” ng grupo ang Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato, at Davao dahil sa tumataas na bilang ng infections. 

Halos dumoble umano ang kaso sa Koronadal, umakyat ng 54 percent sa Davao, at tumaas ng 62 percent sa Cotabato. 

Nagbabala si professor Ranjit Rye na ang pagsipa ng COVID-19 cases ay magiging sanhi ng mataas na hospital occupancy rates pag di naaksyunan. 

Nanawagan ang grupo na magpadala na ng tao, equipment, at suporta sa mga nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *