COVID-19 death toll, lumampas pa sa 22,000

Sumipa pa ang kabuoang bilang ng COVID-19 death toll sa 22,064 o 1.72% sa bilang ng total case count na 1,280,773.

Ito’y matapos maitala ang 95 bagong fatalities, habang 4,777 naman ang bagong infections.

Mula sa kabuoang kaso, 4.4% o 56,452 ang active cases, kung saan 93.2% ang nakakaranas ng mild symptoms, 2.5% ang walang sintomas, 1.7% ang may severe symptoms, 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon habang 1.19% ang nasa moderate condition.

Tumaas naman ang bilang ng recoveries sa 1,202,257, o 93.9% ng total tally matapos gumaling ang 7,122 pang pasyente.

Samantala, hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa 10 laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time. // MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *