COVID-19 death toll, pumalo pa sa 21,000; 46 bagong fatalities

Lumampas pa sa 21,000 ang kabuoang bilang ng COVID-19 death toll sa Pilipinas, matapos na maitala ang 46 na bagong fatalities.

Ayon sa Department of Health, ang mga nasawi sa naturang sakit ay nasa 21,012, na 1.7% mula sa total cases.

Ito ang unang pagkakataon naman na ang death count sa loob ng isang linggo ay hindi aabot ng isang daan sa isang araw.

Nilinaw naman ng DOH na sampung laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang datos.

Samantala, ang kabuoang infections ay nasa 1,235,467, matapos maitala ang 5,177 ang bagong kaso, kung saan 53,203 ang active.

Ang recovery count ay nasa 1,161,252 matapos madagdagan ng 6,230 pang gumaling mula sa respiratory illness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *