COVID-19 death toll sa Brazil halos 400,000 na!

Halos maabot na ng Brazil ang 400,000 death mark kasunod ng pagtatala nito ng 3,163 na mga bagong COVID-19 death toll sa loob lamang ng 24 oras.

Ayon sa official death toll ng Brazil, nasa 398,185 na ang naitatala na dahilan din para sa mabilis na pagsunod ng nasabing bansa sa dami ng patay sa America na mayroon nang mahigit 570,000 bagamat mas mababa sa 1,000 ang fatalities sa nakalipas na mga linggo.

Base sa datus, maraming mas batang Brazilians ang tinamaan ng COVID-19 kung saan mga nasa edad 20 ang karamihan sa mga namatay ngayong taon.

Sa latest report ng Health Ministry ng Brazil, naitala kahapon ang 79,726 na mga bagong Coronavirus cases na dahilan para maitala ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Brazil sa 14,521,289.

Matatandaan na naging “out of control” ang COVID-19 cases sa Brazil sa nakalipas na mga buwan kaya inulan ng batikos ang pangulo nitong si Jair Bolsonaro dahil sa tila pag-down play nito sa virus, pagsusuot ng masks at ang pagsusulong nito ng mga unproven na mga paraan ng pagtugon sa virus. (LEO-NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *