COVID-19 death toll sa Pilipinas, lampas 16,000 na

Lumampas na sa 16,000 ang bilang ng mga tao sa Pilipinas na nasawi sa COVID-19 habang umakyat naman sa 945,745 ang bilang ng mga naitalang infections sa bansa.

Base sa huling COVID-19 bulletin ng Department of Health ay nadagdagan ng 88 ang bilang ng mga nasawi, na dahilan ng pag-akyat ng death toll sa 16,048 o 1.7% ng kabuoang bilang ng mga kaso.

Narehistro rin ng DOH ang 9,628 na bagong COVID-19 cases at 9,266 na bagong recoveries na dahilan naman ng pag-angat ng kabuoang bilang ng mga gumaling mula sa sakit sa 788,322.

Ang nasabing bilang ng bagong infections ay ang pinakamababa na sa loob ng 5 araw, ngunit hindi pa kasama rito ang datos mula sa 4 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng mga resulta ng kanilang testing sa tamang oras.

Sa ngayon ay tumatayo sa 141,375 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa, na 14.9% ng naitalang infections.

Mula sa nasabing bilang, 96.9% ang may mild symptoms, 1.5% ang asymptomatic, 0.43% ang may moderate symptoms, 0.7% ang may severe symptoms, habang nasa 0.5% naman ang may critical condition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *