COVID-19, kabilang na sa work-related diseases; mga manggagawang tinamaan, maaring mag-file ng EC benefits

Maari ng mag-file ang isang manggagawa na kinapitan ng COVID-19 para ma-claim ang mga benefits mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC).

Ito ay matapos apprubahan ng ECC board na maisali ang coronavirus disease 2019 sa listahan ng mga occupational and work-related diseases.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Ms. Remedios Andrada, ang Information Officer II ng ECC Region 2, kung ang empleyado ay nagpositibo sa COVID 19 kung saan nakuha ito sa trabaho o nahawa sa katrabaho ay maaring ma-claim ang mga benepisyo sa ECC.

Saklaw ng EC benefits ang mga empleyado na registered sa SSS o GSIS.

Kailangan lang aniya na mag-file muna ang employee ng EC sickness sa SSS o GSIS dipende kung anong sector ang mga ito kung saan maaring i-download ang mga form sa website ng ECC upang hindi na pumunta sa mismong tanggapan ng SSS at GSIS.

Paliwanag pa ni Info Officer 2 Andrada na kapag naaprubahan na ito ng system ay ipapakita ng manggagawa ang approve EC voucher sa kanilang tanggapan at maari nang iproseso ang cash assistance.

Sa pagclaim din ng benefits ng nagka-COVID -19, kailangan ang mga requirements gaya ng RT-PCR test result, medical abstract, quarantine certification mula sa pasilidad kung saan sila isinailalim ng quarantine, COE na nakasaad doon kung kailan huling pumasok sa trabaho ang naturang empleyado.

Posibleng makuhang benepisyo ng manggagawang nagkaroon ng COVID-19 ay ang loss-of-income benefits kung saan makakakuha ng 200-480 pesos daily pension ang nagtatrabaho sa pribadong sector depende sa monthly salary.

Habang ang government employee ay makakakuha ng 200 pesos kada araw.

Para rin sa medical benefits kung saan maaring i-reimburse sa ECC ang nagastos sa pagpapagamot na hindi na-cover ng Philhealth o HMO at ang death o burial benefits ng nasawing COVID-19 patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *