COVID-19 Molecular Diagnostic Laboratory sa BRGHGMC sa Cabusao Camarines Sur lisensyado na

NAGA CITY- Lisensyado na ang Molecular Diagnostic Laboratory ng Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) o ang Bicol Sanitarium sa Cabusao Camarines Sur, handa na silang tumanggap ng mga specimen upang masuri kung positibo o negatibo sa COVID-19.

Nakompleto na ng ospital ang proficiency test at nakuha na ang license to operate mula sa Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB). 96 specimen ang kayang masuri sa laboratoryo araw-araw, 80-90 naman ang average.Subalit inihayag sa Brigada News FM Naga ni Hospital Chief Dr. Ed Sarmiento , hinihintay pa nila ang ruling mula sa Department of Health Bicol. Kung sobra na sa capacity ang specimen sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) ang BRGHGMC o mas kilalang Bicol Sanitarium ang susuri.Dagdag ni Sarmiento, back-up ito sa BRDRL.

Bukod sa Bicol Sanitarium mayroon ding molecular laboratory sa Naga City na patuloy na tinatapos para sa mas mabilis na RT-PCR Testing.Samantala, ngayong Labor Day kinikilala ni Sarmiento ang hirap ng mga persohane sa ospital ngayong pandemya mula sa mga ordinaryong manggagawa hanggang sa matataas na opisyal. Hingi nito ang kooperasyon at pasensya ng mga pumapasok sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *