COVID-19 referral centers, unti-unting ginagawang regionalized- DOH

Ginagawa nang regionalized ang COVID-19 referral center sa Pilipinas para mapalakas pa ang coordination ng local at national authorities, at healthcare providers ngayong sumipa ang COVID-19 cases sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, may itinayong regional hospital commands sa Calabarzon, Central Luzon, Southern Mindanao, at Caraga.

Ang headquarters nito na matatagpuan sa Metro Manila na One COVID-19 Referral Center na dating One Hospital Command Center ang nagkokonekta sa mga pasyenteng kailangan ng medical attention sa mga healthcare facilities.

Aniya, unti-unting nire-regionalize ang referral center dahil marami silang natatanggap na mga tawag mula sa labas ng Metro Manila.

Mababatid na mayroong pagtaas ng COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao habang unti-unting bumabababa ang mga cases sa Metro Manila at mga kalapit nitong probinsya.

Sinabi ni Vega na pinalawig na rin ang healthcare capacities sa dalawang rehiyon.

Samantala, sinabi ng opisyal na nag-improve ang serbisyo ng COVID-19 referral center sa Metro Manila matapos na kumuha ng 80 dagdag na personnel at na-transfer ang headquarters sa mas malaking location.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *