COVID- 19 vaccination para sa mga batang edad 5- 11 taong gulang posibleng simulan na rin sa Camarines Norte ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Posibleng simulan na rin dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang ngayong lingong ito.

Kahapon ay nagsimula na ang bakunahan sa naturang age group sa Albay .

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola magkakaron muna sila ng orientation ngayong darating na Miyerkules sa karagdagang advocates ng COVID- 19 vaccination para sa mga bata.

Ang karagdagang advocates ngayon ay nagmula sa Department of Education dahil ang mga babakunahan ay  school children

Tiniyak din ni Iraola na mayroon nang available na bakuna sa Regional Office na para sa Camarines Norte.

Ang ibabakuna sa mga batang edad 5- 11 ay Pfizer dahil ito pa lamang ang nabibigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration para iturok sa nabanggit na age group.

Paliwanag ni Iraola na bagamat parehong brand ay magkaiba ang timpla ng bakuna para sa batang edad 5- 11 at sa edad 12 gulang pataas.

Ang ibabakuna sa mga batang edad 5- 11 ay may takip na orange ang botilya habang sa mga batang edad 12 pataas ay violet cap

Kabilang sa mga benepisyo ng bakuna lalo na sa mga bata ay proteksyon sa pagkakaospital at kamatayan dahil sa COVID- 19.

Mas magiging ligtas din ang pagbabalik ng face to face classes sa mga eskwelahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *