Covid-19 vaccination rate sa BARMM, target na mapataas

Nakikipag-ugnayan na ang National Vaccination Operation Center sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasama ang iba pang mga ahensya para tugunan ang mababang covid-19 vaccination rate sa rehiyon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na tinatrabaho na nila ang pagtatayo ng vaccine hubs sa Zamboanga City para doon idiretso ang mga bakuna na ide-deploy sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (BASULTA).

Sa ngayon kasi aniya ay hindi na kayang ma-accommodate ng food chain facility sa Zamboanga City ang dumarating na suplay para sa nasabing mga lugar dahil puno na ito.

Samantala, sinabi pa ni Usec. Cabotaje na may direktiba na rin si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na kailangang matutukan ang pagbabakuna sa Basulta areas.

Pangunahing dahilan aniya nito ay ang pagiging malapit ng mga nasabing probinsya sa border ng Malaysia at Indonesia na may mataas na kaso ngayon ng Delta variant.

Kaya kinakailangan aniya ng mas marami ang madalang bakuna sa nasabing rehiyon at mas marami pa ang mabakunahan doon.

Gayunpaman, malaki aniyang hamon sa kanila ngayon ay ang pagbiyahe ng mga covid-19 vaccines lalo na at limitado ang mga flights patungo sa area at kailangan ding ikonsidera ang kondisyon ng karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *