COVID-19 vaccination sa edad 25 hanggang 29-anyos, sisimulan na sa England

Bubuksan na ang vaccination sa mga nasa edad 25 hanggang 29 sa England.

Layon nitong mas mapalapit sa target nilang pagbabakuna sa lahat ng adults hanggang sa katapusan ng Hulyo

Ayon kay Health Secretary Matt Hancock, unti-unti nang nababasag ng bakuna ang infection, hospitalization at pagkamatay pero masyado pang maaga para pag-usapan ang posibleng pagluluwag sa mga lockdowns.

Ito ay sa gitna na din ng pinangangambahang muling pagtaas ng bilang ng mga infecrions ng COVID-19 lalo na sa bagong natuklasang variant mula sa India na mas kilala sa B.1.617.2 o Delta

Base sa report, ito na ang dominant type sa mga sirkulasyon kaya ipinatupad nila sa England ang surge testing para mapigilan ang mas pagkalat ng virus.

Matatandaan na sa June 21 pa aalisin ng England ang nalalabing restriction sa kanilang bansa mula sa tinatawag nilang four step of road map sa pagbabalik sa normal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *