COVID-19 vaccines doses na naturok na ng Ph, pumalo na sa 5-M mark

Pumapalo na sa mahigit limang milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naituturok sa Pilipinas.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., 5,120,023 indibidwal na sa bansa ang nababakunahan laban sa COVID-19, kung saan 1,189,353 sa mga ito ang fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang doses.

Pagbabahagi ni Galvez, ito ay kinabibilangan ng 1.4 million o 93 percent ng health workers, na 664,000 fully inoculated.

Kaugnay nito, nasa 1,368,836 o 13.38 percent ng 9 million senior citizens at 1.15 million persons o 22.7 percent ng mga taong may comorbidities ang nakatanggap na ng kanilang bakuna.

Dagdag ng vaccine czar, kailangan makapagsagawa ang gobyerno ng 500,000 jabs daily sa Metro Manila, Metro Davao, Metro Cebu, at anim pang urban areas para makamit ang herd immunity sa November 27. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *