COVID-19 vaccines, ligtas sa mga buntis, at sa mga babae na nagpapa-breastfeed sa mga sanggol – expert

Tiniyak ng ilang eksperto na walang negatibong epekto sa mga buntis at sa mga nagpapa-breastfeed ng mga sanggol ang antibodies na matatagpuan sa COVID-19 vaccines na available sa Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim, na bahagi ng working group na nag-aabiso sa Department of Health, na ang mga COVID-19 vaccines mula AstraZeneca, Pfizer, Sinovac, at Sputnik V, ay puro mga inactivated vaccines.

Inihayag ni Lim na kahit iturok sa buntis ang bakuna, at kahit umabot pa ang virus particles sa uterus o sa breastmilk, ay hindi nito maapektuhan ang pagpapa-breastfeed sa sanggol.

Ipinunto naman ni Lim na maraming pregnancy loss ang nangyayari sa first trimester.

Anya, kahit walang ginagawa ang ina, ay pwedeng hindi matuloy ang pagbubuntis.

Iginiit ni Lim na ayaw lamang nila na magkaroon ng kalituhan kung saan ay isinisisi sa bakuna ang isang bagay na posibleng talagang mangyari.

Samantala, ayon kay Lim ay meron na rin mga obserbasyon sa mga limitadong sirkumstansya kung saan ay nagkakaroon rin ng antibodies ang mga sanggol ng mga ina na nagpabakuna.

Gayunman, nilinaw ni Lim na kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para maberipika ang nasabing claim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *