COVID-infected seafarer mula sa Indonesia, close contacts, na-track down sa Butuan

Kinumpirma ng mga otoridad na natagpuan na at isinailalim sa quarantine sa Butuan city ang isang COVID-positive seafarer na nakalabas sa isang vessel mula sa Indonesia.

Ang naturang seafarer ay isa sa 12 COVID-infected Filipino crew members na lulan ng M/V Tug Clyde and Barge Claudia, na bumiyahe sa Pilipinas mula Indonesia.

Ayon sa Department of Health, bumaba ang naturang seaman mula sa barko nang walang alam ang ship captain, at nagbiyahe pauwi ng kanilang bahay gamit ang public transport.

Sinabi rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natuloy na ang close contacts na nakasakay sa public transport pati na rin ang pamilya ng naturang seaman.

Ang M/V Tug Clyde and Barge Claudia na naka-angkla, isang kilometro mula sa Lidong Port sa Sto. Domingo, Albay noong Martes ay may lulan pang 11 asymptomatic COVID-positive individuals at pinagbabawalang makababa. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *