COVID sa Metro Manila, tumaas ang bilang – OCTA Research

Tumaas ang bilang ng mga nagka-COVID sa Metro Manila – batay sa OCTA Research.

Sinabi ni Dr. Guido David na pumalo sa 10% ang COVID positivity rate sa NCR kumpara sa 7% noong nakaraang linggo.

Aniya, posibleng marami pa ang nahahawa ng sakit pero hindi lamang na-i-re-report.

Dagdag pa ni David, inaasahang tataas pa ng 15% ang positivity rate sa mga darating na araw.

Sa huling tala ng DOH, higit 1K ang bagong kaso ng COVID sa bansa mula November 28 hanggang December 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *