COVID UPDATE: 208 new cases today, total cases umabot na sa higit 11.5K

BNFM BICOL—Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bicol region na ngayon ay pumapalo na sa 11,571. Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong araw, 208 ang bagong kasong nadagdag.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na 92 kung saan 22 nito ay mula sa lungsod ng Naga; 13 sa bayan ng Pili; 12 sa bayan ng Nabua; anim sa Iriga City, tig-aapat ang mga bayan ng Calabanga, Milaor at Pasacao; tigtatatlo ang mga bayan ng Camaligan, Canaman, Caramoan at Ragay; tigdadalawa ang mga bayan ng Bato, Bula at Magarao at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Bombon, Del Gallego, Goa, Minalabac, Pamplona, San Jose, Sipocot at Tigaon.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala ng 46 na bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Tiwi; tig-anim ang lungsod ng Legazpi at bayan ng Daraga; lima sa bayan ng Manito; apat sa bayan ng Guinobatan; tigtatatlo ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Oas at mga lungsod ng Ligao at Tabaco at tig-iisa naman ang mga bayan ng Malinao, Polangui at Rapu-rapu.

27 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Paracale, pito sa bayan ng Labo, lima sa bayan ng Daet, tatlo sa bayan ng Mercedes, dalawa sa San Lorenzon Ruiz at tig-isa ang bayan ng San Vicente at Sta. Elena.

27 kaso rin ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 21 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Castilla, dalawa sa bayan ng bulusan, at isa sa bayan ng Gubat.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nagtala ng 12 bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Virac, tatlo sa bayan ng Caramoran, dalawa sa bayan ng Bato at tig-iisa ang mga bayan ng Baras, San Andres at San Miguel.

Habang mayroon namang apat na mga nagpositibo na mga non-Bicol residents o mga residente sa ibang lugar.

Sa ngayon, nasa 3,548 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa Bicol.

Samantala, 27 bagong recoveries ang nadagdag ngayong araw kung saan 13 nito ay mula sa Masbate, walo sa Camarines Norte, at tigtatlo ang Catanduanes at Sorsogon. Sa kabuuan, pumalo na sa 7,614 ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Limang insidente naman ng pagkasawi ang nadagdag kung saan tatlo nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Norte at dalawa sa Albay. Bunsod nito, pumalo na sa 388 ang COVID-19 death toll sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *