COVID UPDATE: 80 bagong kaso ngayong araw; total cases pumalo na sa mahigit 12k

BNFM BICOL—80 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region base sa pinakahuling ulat ng Department of Health ngayong araw.

Pinakamarami nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 64 kung saan 25 nito ay mula sa lungsod ng Naga, 12 sa bayan ng Pili, apat sa Iriga City, tigtatlo ang bayan ng Calabanga at Goa at tig-iisa ang mga bayan ng Canaman, Magarao, Ocampo, Pamplona, at Sipocot.

Sumunod sa may mataas na bagong kaso ang lalawigan ng Sorsogon na mayroong 22 kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Bulan, anim sa bayan ng Matnog, apat sa bayan ng Gubat, tatlo sa lungsod ng Sorsogon at tig-isa ang bayan ng Magallanes at Pilar.

Dalawang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay na pawang mula sa bayan ng Daraga habang dalawang kaso rin ang nadagdag sa Masbate, isa ang mula sa Masbate City at isa naman sa bayan ng Milagros.

Walang nagpositibo sa mga specimen na isinumite ng lalawigan ng Catanduanes habang hindi naman nakapagsumite ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon kung kaya ngayong araw ito inaasahang darating para sa pagsusuri.

Sa kabuuan, pumalo na sa 12,101 ang naitalang kaso ng coronavirus sa rehiyon.

Limang pagkasawi naman ang nadagdag kung saan dalawa nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, isa sa Albay, isa sa Sorsogon at isa sa Camarines Sur. Sa ngayon, ay pumapalo na sa 404 ang total COVID-19 death sa Bicol.

Samantala, mas mataas na recoveries naman ang naitala ngayong araw na umabot sa 99 kung saan 80 nito ay mula sa Camarines Sur, 12 sa Sorsogon at pito sa Catanduanes. Sa kabuuan, mayroon nang 7,835 total recoveries ang rehiyon.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *