Covid19 delta variant, community transmission na ayon sa DOH4A

Batangas -Hindi na lamang local kundi community transmission na ang delta variant sa Calabarzon region ayon yan kay DOH Region 4A Director Dr. Eduardo Janairo sa panayam ng Brigada News FM kanina.

Aniya, simula noong nakaraang buwang tala ng mga nagpopositibo sa virus ay iko-konsidera ng kaso ito ng delta, community na aniya talaga at hindi na malaman kung saan nagmula.

Isa pa ang sitwasyon na bahay bahay na ang hawaan, may isang buong pamilya ang nagpositibo, hindi naman aniya lumalabas, hindi nakikisalamuha, hindi pumapasok sa enclosed area pero nagpopositibo sila, may kaso na covid19 na hanggang isang taong gulang ang edad.

Binanggit pa ni Dr.  Janairo na mabilis na makahawa ang covid19 delta variant kumpara sa ibang variant ng nasabing virus at mas delikado, may malaking epekto ito sa mga may comorbidity.

Idiniin pa ni Dr Janairo na nakakaalarma ito, kelangan ng mahigpit na pag-iingat at huwag nang lumabas, wag na magtungo sa mga kulob na lugar, kelangan kelangan na mapag-ingatan ang matatanda, dahil sa wala ng magagawa kundi ang sarili na nating pag-iingat ang kinakailangan.

Sa huli ipinaalala pa rin ng opisyal na mahalaga ang magpabakuna dahilan sa lumalabas sa mga datos na mas madami ang nahahawa mula sa hanay ng mga walang bakuna kumpara sa bilang ng mga bakunado kontra covid19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *