Credit worthiness seminar para sa mga magsasakang nais mag-avail ng SSP, Isinagawa ng NIA MARIIS

Isinagawa ng National Irrigation Administration-MARIIS head office katuwang ang Agricultural Training Institute ang credit worthiness seminar online para sa mga magsasakang nais mag-avail ng Sikat Saka Program.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay NIA MARIIS Institutional Development Section Acting Head Veronica Aron, ang nasabing seminar ay required para sa mga magsasakang nais maka-avail ng naturang programa ng DA at Landbank.

Aniya, ang SSP ay bahagi ng food staple sufficiency program ng DA at Landbank kung saan layunin nitong magpautang sa mga maliliit na magsasaka ng palay at mais.

Kaugnay dito, upang ma-avail ang programa kinakailangan ng form mula landbank, certificate of good standing na ibibigay ng NIA, certificate ng credit discipline seminar na ibibigay ng ATI at collateral ng magsasakang uutang.

Dagdag pa nito, hanggang 5 ektarya lamang bawat magsasaka ang maximum sa pautang kung saan sa inbred na itatanim ay maaring mapautangan ng 200,000 habang 250,000 naman sa hybrid.

Sa unang cycle ay mayroon itong interes na 15% kada taon ngunit sa ikatlong cycle ay magsisimula ng mabawasan ng 1% ang interes kung maayos umano ang record nito.

Dinaluhan ito ng mga personnel ng apat na Division ng NIA-MARIIS at 67 na magsasaka mula sa iba’t ibang Irrigators Association at CIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *