Cristy Fermin, hindi hihingi ng tawad kay Dominic Roque

Sinagot na ni Cristy Fermin ang pahayag ni Dominic Roque tungkol sa mga isyung ibinato umano nito sa kanya.

Ayon kay Cristy, wala siyang binanggit na pangalan o kahit initials tungkol sa mga sinabi nitong dahilan ng hiwalayan nila Dominic at Bea Alonzo.

Kaya’t nagtataka raw siya kung bakit kinapanayam sina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at Congressman Bong Suntay tungkol sa isyu.

Iginiit namna ng showbiz columnist na hindi siya hihingi ng tawad dahil wala naman siyang direktang sinabi na nakatira sa isang condo unit na pagmamay-ari ng isang baklang pulitiko si Dominic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *