Crowdfunded combat drone, i-dodonate sa Ukraine

Makakatanggap ang bansang Ukraine ng crowdfunded Turkish-made military drone upang makatulong sa nangyayaring digmaan doon.

Ayon kay Lithuanian Defense Minister Arvydas Anusauskas, idedeliver nila ang naturang armas sa bansa sa lalong madaling panahon.

Nakalikom ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) ng 5.9 million euros para sa nasabing Bayraktar TB2 drone.

Samantala, kasabay nito ay iginiit ng Turkish manufacturer na ibibigay na lamang ito ng libre sa Ukraine na patuloy na sinasakop ngayong ng Russia. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *