Crown Prince ng Saudi, muling tiniyak kay PBBM na mababayaran ang mahigit 10 libong displaced OFW

Muli raw tiniyak ng gobyerno ng Saudi Arabia kay Pangulong Bongbong Marcos na mababayaran ang unpaid salary ng mahigit sampung libong displaced OFW.

Sa naging bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay Crown Prince ng Kingdom of Saudi Arabia na si Mohammed bin Salman Al Saud, sinabi daw ng huli na nasa proseso na at pinaguusapan na lang ang ilang detalye.

Gayunpaman, binigyang diin ng Pangulo na wala na syang ibang detalye na mailalahand hinggil sa takbo ng pag areglo.

Ang batid lang anya ng Presidente, ay tiyak syang mababayaran ng Saudi ang mga OFW, hindi nya nga lang masabi kung kelan.

Nabatid na maraming OFW ang nawalan ng trabaho sa Saudi noong panahon ng COVID-19 matapos magsara ang kanilang pinagtatrabahuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *