CSC hindi pa masabi sa ngayon kung ano ang magiging kapalaran ng contract of service at job order workers sa pagtatapos ng 2022

Hindi pa masabi sa ngayon ng Civil Service Commission ang magiging kapalaran ng contract of service at job order workers sa pagtatapos ng 2022.

Sa isinagawang Kapehan sa Cam Norte alay ng CSC noong Biyernes sinabi ni Regional Director Daisy Bragais  na hindi pa nila alam sa ngayon ang tungkol sa hiring ng contract of service at job order workers sa gobyerno kung magpapatuloy pa ito sa pagtatapos ng 2022.

Wala rin aniyang hurisdiksyon ang CSC sa bagay na ito at wala pang sinasabi sa kanila si Chairman Karlo Nograles.

Hindi na rin aniya kasali sa usapan ang CSC kundi dalawang ahensiya na lang ang ng uusap ukol sa bagay na ito at yan ay ang Department of Budget and Management at Commission on Audit.

Kung maalala ay pinalawig ng gobyerno noong 2020 hanggang katapusan ng 2022 ang panahon na maaaring kumuha ang mga ahensiya ng mga contract of service at job order workers.

Nilagdaan noon ni dating Budget Secretary Wendel Avisado ang isang Joint Circular tungkol sa bagong patakaran sa contract of services  at job orders  sa gobyerno.

Batay dito ang mga ahensiya ay maaari pa ring mag- engage sa serbisyo ng bagong COS/JO workers sa pamamagitan ng individual contract ng mga ito hanggang December 31, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *