CSC, iminungkahing pagsamahin ang 4-day work week, WFH

Iminungkahi ng Civil Service Commission (CSC) ang pagsasama ng four-day work week at work-from-home arrangement, para matiyak ang work-life balance ng mga manggagawa.

Una nang iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang four-day work week, 10 oras bawat araw, para makatipid ng kuryente sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, sa halip na five-day work week na eight hours per day.

Pero binigyang diin ni CSC Commissioner Aileen Lizada ang hamon na dulot ng mas mahabang working hours per day.

Paalala ni Lizada sa mga heads ng opisina, na kung pipiliin ang four-day compressed work week, dapat ikonsidera ang mental health, wellness, at work-life balance ng mga empleyado. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *