CSC, naglabas ng paalala para sa kukuha ng career service exam

Inanunsyo ng Civil Service Commission na available na online ang mga school assignment at mahahalagang paalala para sa mga kukuha ng Career Service Examinatin na gaganapin sa Marso 3, 2024.

Inirekomenda ni CSC Chairperson Karlo Nograles na sumangguni ang mga examinees sa Examination Advisory na nasa website ng CSC.

Payo ni Nograles sa mga kukuha ng exam, upang magamit ang Online Notice of School Assignment kinakailangan tama ang impormasyon sa mga itinalagang field ng data, kasunod ng tamang format.

Kung nahihirapan sa pag-access sa ONSA at mananatiling walang kamalayan sa kanilang school assignemnts isang linggo bago ang petsa ng pagsusulit, pinapayuhan ang mga examinees na direktang magtanong sa CSC Regional o Field Office na may kinalaman para sa tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *