Cusi, nagpaliwanag sa Kamara re: rotational brownouts

Humarap sa isinagawang motu propio inquiry ng House Committee on Energy kaugnay sa isyu ng kuryente at naranasang rotational brownouts si Energy Sec. Alfonso Cusi.

Sa naturang pagdinig ipinaliwanag ni Cusi ang dahilan kung bakita numipis ang suplay ng kuryente partikular na sa Luzon nitong nagdaang mga linggo.

Ayon sa kalihim ilan sa mga dahilan ng rotational brownouts ay ang pagka-aberya ng ilang mga power plant.

Sinabi ni Cusi na naka-apekto din ang pandemic sa maintenance activities ng mga planta na rason kung bakit pumalya ang ilan sa mga ito.

Sa kabila nito tiniyak naman ni Cusi sa mga mambabatas na patuloy na nagtratrabaho ang kanilang tanggapan upang masulusyunan ang problema sa kuryente.

Magugunitang inulan ng batikos si Cusi matapos magpatawag ng pulong bilang PDP-Laban Vice-chairman gayung nararanasan ang rotational brownout sa ilang bahagi ng bansa.// LEY BAGUIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *