Customs, nalampasan ang target collection para sa fourth straight month noong Abril

Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target collection para sa ika-apat na sunod-sunod na buwan noong Abril sa P51.277 billion.

Mababatid na ang actual collection para sa naturang buwan ay nasa P2.077 billion o 4.2% na mas mataas kumpara sa P49.2 billion collection target.

Kabilang sa latest figures ang karagdagang revenues mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) na nagkakahalaga sa P121 million at P13.65 million mula sa Post Clearance Audit Group (PCAG).

Sa preliminary data, lumalabas na 11 mula sa 17 collection districts ay nakalampas sa kanilang targets — na kinabibilangan ng Ports of San Fernando, Manila, Iloilo, Tacloban, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Aparri, Limay, at Manila International Container Port.

Year-to-date, ang BOC ay nakakolekta ng P200.459 billion, 9.4% o P17.285 billion na mas mataas kumpara sa collection target na P183.174 billion.

Leave a Reply

Your email address will not be published.