Cyber interference, naranasan ng mga barko ng Pilipinas sa mga misyon sa WPS

Kinumpirma ng Philippine Navy na 3 hanggang 4 na taon nang nararanasan ng Navy ang cyber interference kapag mayroong resupply mission sa West Philippine Sea.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, hindi ito maituturing na nakakalaarma para maparalisa ang operasyon ng mga barko ng bansa pero kanyang inamin na nakakapekto ito sa komunikasyon sa mga barko.

Dagdag pa nya, hindi lang mga barko ang inaabot ng cyber interefence at inaabot din ito hanggang sa land based vehicle ng militar.

Hindi pa rin nila makumpirma na galing ito sa China.

Sa ngayon, may sinusunod na communication protocol ang Navy sa kabila ng mga cyber interference.

Ito’y para matiyak na walang makukuhang impormasyon mula sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *