Cybercrime experts ng PNP, tinutukoy ang nasa likod ng bomb threat kahapon

Nagtutulungan na ang mga Cybercrime experts ng Philippine National Police upang matukoy ang tao o grupong nasa likod ng pagkakalat ng malisyosong e-mail na naglalaman ng bomb threat kahapon.

Sa panayam ng Brigada News Fm Manila kay Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang foreign counterparts para matunton ang taong nagtatago sa pangalang Takahiro Karasawa.

Ito’y matapos nilang matukoy ang ilang IP adressess na ginamit sa labas ng bansa

Sabi ni Col. Fajardo, ito na ang ikatlong beses na nambulabog sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan ang nagpakilalang si Karasawa.

Nakausap na rin daw ng PNP si Karasawa at dinenay daw nito ang kanyang involvement sa pagpapakalat ng ganitong email.

Bagaman nagnegatibo sa bomba ang mga ahensiya ng pamahalaan, sinabi ni Fajardo na hindi pa rin sila nagpaka-kampante lalo’t may nangyari nang pambobomba noong isang taon sa Mindanao State University sa Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *