Cybercrime Investigation iniisip ang pagpataw ng penalty para sa kumpanyang Meta

Pinag-aaralan na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang pagpataw ng penalty sa kumpanyang Meta dahil sa mabagal umanong pagkilos nito para labanan ang panloloko sa isang social media app.

Nagbabala ang Scam Watch Philippines na posibleng lumalala pa ang iba’t ibang uri ng scam o panloloko sa tulong Artificial Intelligence.

Dahil dito, magiging high realistic na ang scam na mas magiging madali na ang makapanloko sa publiko.

Mababatid noong 2023, lumutang ang mga balita sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mobile phones tulad ng bank account.

Sa datos ng Cybercrime Investigation and coordinating center 13,000 ang verified complains mula noong November 2023.

Paalala naman ng grupo, na iwasan gumamit ng mga online transaction kung nasa pampublikong lugar at huwag ding gumamit ng mga public wifi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *