DA handang makipagtulungan sa imbestigasyon laban sa NFA

Tiniyak ng Department of Agriculture na handa silang makipag tulungan sa ikinakasang imbestigasyon laban sa National Food Authority kaugnay sa maanomalyang pagbebenta ng NFA rice.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni DA Asst. Secretary Arnel de Mesa, na inatasan na ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang bagong Officer-in-charge ng National Food Authority o NFA na si Piolito Santos na ihanda ang lahat ng dokumento na kakailanganin ng Ombudsman, internal audit service, at ng independent investigating panel.

Para daw masiguro na available na ang mga dokumento na kailangan para sa review, gayundin ang mga taong involve.

Nabatid na nagsimula na kahapon ang Congressional hearing patungkol sa naturang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *