DA, itinangging mayroong sindikato sa loob ng National Food Authority

Itinanggi ng Department of Agriculture na mayroong mafia sa loob ng National Food Authority.

Kasunod ‘yan ng aligasyon na mayroong sindikato sa loob ng NFA at ito ang nakikinabang sa pagbebenta ng bigas.

Nauna ng ipinagtanggol ng NFA ang ginawa nilang pagbebenta.

Bahagi ng mandato ng NFA na panatiliing nasa mabuting kondisyon ang kanilang supply.

Dagdag pa ng DA na wala silang natatanggap na report tungkol sa sindikato.

Tiniyak din ng ahensya na agad nilang a-aksyunan kung matiyak na may iregularidad sa pagbebenta ng NFA na bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *