DA may naitala nang damage sa agrikultura dahil sa El Nino

Iniulat ng Department of Agriculture o DA na meron na silang natanggap na report na may naitala nang damage sa agrikultura dahil sa El Nino.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DA Asst. Secretary Arnel de Mesa, partikular na naitala ang naturang ulat sa Zamboanga peninsula, pero maliit pa lamang.

Sa ngayon anya nakapamahagi na ang kanilang ahensya ng water management interventions, tulad ng small scale irrigation projects at impounding projects.

Bukod dito namahagi na rin sila ng binhi at mga pataba sa mga apektadong lugar.

Meron na rin anyang nakahandang Agriculture credit policy Council para sa sure loans ng mga apektadong magsasaka.

Samantala naka sentro ang pagpapatupad ng mga nabanggit na hakbang ng ahensya sa Western portion ng Luzon at sa eastern side ng Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *