DA, nakatakdang lagdaan ang karagdagang $280-M loan para sa PRDP

Nakatakdang lagdaan ng Department of Agriculture (DA) ang $280-million second additional financing (AF2) loan, na katumbas sa P14 billion, sa World Bank sa mga susunod na buwan, para masimulan ang mga proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

Ayon sa DA, ang loan ang magpopondo sa agriculture enterprise at rural infrastructure subprojects sa ilalim ng PRDP bilang bahagi ng ikalawang tranche ng $450-million na pondo mula sa World Bank na inaprubahan ng Investment Coordination Committee (ICC) noong 2016.

Ang naturang utang ay kinabibilangan ng 18.3-million euro o P1 billion co-financing grant mula sa European Union, na posibleng maaprubahan ng World Bank sa June 17.

Layunin ng additional funding na mapalakas ang mga aktibidad at ma-enhance ang mga benepisyo ng PRDP gaya ng tumataas na demand para sa rural infrastructure sa mga local government units (LGUs), at para sa enterprise development investments at technical assistance na ibibigay sa mga magsasaka, mangingisda, at agribusiness groups.

Ang PRDP ay isang six-year national project na naglalayung mabuo ang modern, value chain-oriented, at climate-resilient agriculture at fisheries sector. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *