DA, pinawi ang pangamba sa kakulangan ng bigas sa 2024

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba sa kakulangan ng supply ng bigas sa pagpasok ng taong 2024.

Ito’y matapos na unti-unti ng dumarating sa bansa ang tone-toneladang imported na bigas na inaasahang aabot sa 500,000 metric tons.

Sinasabing hanggang sa buwan ng Pebrero at tuloy-tuloy na papasok ang mga inangkat na bigas kung kaya walang kakapusan sa suply na mararansan sa bansa.

Una rito, may 20,000 bags na mula Taiwas ang nai-deliver bago magpasko habang mayroon pang nasa 76,000 metriko tonelada ng bigas galing muli sa Taiwan at India ang nakatakdang dumating bago magtapos ang Disyembre 2023 at sa unang bahagi ng Enero 2024.

Sa ngayon, tulong-tulong pa rin ang iba’t ibang ahenysa ng pamahalaan para siguraduhin na magiging sapat ang supply hindi lamang ng bigas kungdi iba pang agricultural product lalo na at may inaasahang matinding El Niño na makakaapekto sa maraming taniman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *