Da Region 2, may payo sa mga corn farmers ngayong panahon ng pagtatanim

Pinayuhan ng Department of Agriculture Region 2 ang mga corn farmers na tiyaking katamtaman ang moist ng lupa bago magtanim ngayong nahaharap na naman sa panahon ng taniman.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DA Region 2 RD Narciso Edillo, sinabi niya na bagaman may mga naranasan nang mga pag-ulan ay dapat aniyang tiyakin ng mga magsasaka ang sapat na “moist” ng lupa para patubuin ang mga itinanim na binhing mais.

Aniya, may mga lugar na sa rehiyon ang nakaranas ng malalakas na pag-ulan kung saan nagsimula na silang magtanim habang may ilang lugar naman ang nakaranas lamang ng panaka-nakang mahihinang mga pag-ulan.

Bahagyang huli aniya o late ang dating ngayon ng ulan dahil sa epekto ng climate change at nais na ng mga farmers ang makapagtanim subalit kailangan aniyang makasiguro sa panahon para hindi masayang ang mga pananim ng mga ito.

Payo pa ni RD Edillo na dapat ay sundin ng mga farmers ang sabay-sabay na pagtatanim o ang tinatawag na clustering na isang paraan para makontrol ang mga peste at insekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *