DA REGION 2, namahagi sa sdo isabela at cagayan ng kagamitan para sa gulayan sa paaralan

Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 sa Schools Division Office ng Isabela at Cagayan ng kagamitan sa pagtatanim para sa kanilang gulayan sa paaralan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ito ay bahagi ng maigting na kampanya ng DA RFO2 sa Plant, Plant, Plant Program kung saan iniuugnay ng ahensiya ang PNP, Philippine Army, Local Government Units (LGUs), farmers’ cooperative and associations at iba pang pribadong sector sa rehiyon upang magkaroon ng seguridad sa suplay ng pagkain.

Sa isinagawang turn-over ceremony ng ahensiya sa Gamu Agri-Fishery School, Linglingay, Gamu, Isabela, natanggap ng SDO Isabela ang 2 milyong piso na halaga ng gardening package.

Habang sa Iguig Central School, Centro, Iguig, Cagayan naman ay tinanggap ng SDO Cagayan ang 1.6 milyon pesos sa ilalim ng nasabing programa.

Mula sa ibinigay ng DA RFO2 na gardening package ay kabilang dito ang 200 pieces peat moss, 400 pieces net, 5,000 pieces seedling trays, 400 na pirasyo ng pala, 600 packs water soluble fertilizers at 200 pcs assorted vegetable seeds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *