DA Sec. Laurel: hindi maaapektuhan ang NFA kahit maraming opisyal ang suspendido

Kumpyansa si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laure na hindi maaapektuhan ang operasyon ng National Food Authority.

Ito ay sa kabila ng 6 na buwang suspensiyon ng nasa 139 na mga opisyal at empleyado ng ahensya kabilang na si NFA administrator Roderico Bioco dahil sa isyu ng maanomalyang bentahan ng NFA rice.

Ayon kay DA Secretary Laurel, pinulong nito ang mga opisyal at empleyado ng NFA upang masiguro na tuloy-tuloy ang trabaho at operasyon sa ahensya.

Kasunod nito, umaasa ang kalihim na gagawin ng mga empleyado at opisyal ang kani kanilang trabaho upang hindi magkaroon ng aberya sa operasyon ng NFA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *