DA, walang maipaaabot na tulong sa mga magsasaka na may oversupply ng gulay

Aminado si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala silang maibibigay na tulong sa ngayon sa mga magsasakang nasayang ang produktong gulay.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Laurel na technically walang pondo ang DA para ipantulong sa mga naluging magsasaka.

Lalo na kung ayuda at cash ang pag uusapan.

Pero pinagsusumikapan na anya ngayon ng DA na matulungan pa rin ang mga magsasaka.

Kabilang dito ang pagpapatayo ng mas marami pang cold storage facilities, na pwedeng paglagyan ng kanilang mga produkto.

Nabatid na tone-toneladang mga gulay mula Benguet ang itinatapon na lang kung hindi man ibinibenta ng palugi dahil sa over supply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *