Daet Bishop nanawagan ng dasal para sa mga apektado ng pag aalburuto ng Bulkang Taal

CAMARINES NORTE- Nanawagan si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet na ipagdasal ang mga residenteng apektado ng patuloy na pagalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ginawa ni Alarcon ang panawagan kahapon, July 4, Linggo, dahil pa rin sa patuloy na banta ng Bulkan kung saan libo- libong pamilya at indibidwal na ang inilikas.

Nananatili ang mga ito sa eskwelahan o kaya naman ay sa mga ginawang family tents.

Nitong weekend aabot sa mahigit kumulang 50 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Maliban naman sa mga apektado ng Bulkan, hinimok din ng Obispo na ipagdasal ang mga naging biktima ng COVID- 19.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ang lahat na patuloy na mag- ingat upang mapigilan na ang pagkalat ng sakit.

Sa ngayon ay pumalo na sa 997 ang kabuuang kaso ng sakit sa lalawigan ng Camarines Norte mula March 27, 2020 hanggang nitong July 3, 2021.

Sa bilang na ito 378 ang aktibong kaso, 586 ang gumaling at 32 pagkasawi.

Noong Sabado ay nakapagtala ng 39 na bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan habang wala namang bagong kaso kahapon, araw ng Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *