Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo – namumuro sa susunod na linggo

Dagdag-bawas ang aasahang galaw sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources – may inaasahang rollback sa diesel at sa kerosene.

Sa pagtataya, posibleng amtapyasan ng P0.30 hanggang P0.60 ang kada litro ng diesel; habang P0.30 naman hanggang P0.50 sa kada litro ng keroesene.

Sa kabila nito, mayroon namang inaasahang umento ng hanggang P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Ang naturang estimates ay matapos ang apat na araw na trading at inaasahang mababago pa bukas, araw ng Sabado.

Lunes – iaanunsyo ang opisyal na price adjustment; habang Martes naman ito ipatutupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *