Dagdag na biyahe ng bus Maynila-Naga at vise versa tuloy na subalit patakaran kapag ECQ na ang NCR hinihintay pa

NAGA CITY-Nagdagdag na ngbiyahe ang Raymond Transportation at DLTB Bus Company dahil sa demand o pagdami ng  pasahero at hindi pa natitigil na kolorum schemes.

Ito ang kinumpirma sa Brigada news FM Naga ni Nonoy Reforsado, Terminal Manager ng Bicol Central Station o BCS . Apat na ang biyahe sa isang araw mula BCS patungong Parañaque Integrated Terminal o PITX at vise versa.

Sa mahigit isang buwang mula noong bumalik ang biyahe napapasunod ang health protocols, nasasala ang umuuwi at nabususisi ang mga dokumento sa PITX pa lamang , sa border at sa Barangay. Pati pamemeke ng dokumento binabantayan.

Sa ngayon sinabi ni Reforsado na ang sistemang ito ay siguradong hanggang sa Agosto 5 muna, aalamin pa kung tuloy-tuloy ito simula Agosto 6 kung kailan sisimulan din ang pagsasailalim muli sa National Capital Region sa Enhanced Community Quarantine.

Binigyang diin ni Reforsado na nagkakaroon na ng koordinasyon sa kanilang viber group kasama ang  PITX Management at Bus Companies.

Naghihintay ngayon ang pamunuan ng terminal sa resulta ng pakikipag ugnayan ng PITX sa Department of Transportation (DOTR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ano ang magiging sistema kapag ECQ na muli ang NCR, ititigil ba ang inter-regional routes o itutuloy pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *