Dagdag na P100 sa daily minimum wage, lusot na sa ikatlong pagbasa sa Senado

Lusot na sa Senado ang panukalang dagdag P100 sa daily minimum wage sa mga private sector worker.
20 Senador ang bumoto sa Senate bill No. 2524 at may Zero negative vote at Zero abstention.

Nilinaw ni Sen. Chiz Escudero na hindi kasama rito ang mga establisyementong may mababa sa sampo ang empleyado gayundin ang mga barangay micro business enterprises at mga establisyimentong mayroon lamang tatlong milyong pisong capital.

Ayon naman Sen. Jinggoy Estrada malaki ang tulong ng salary increase sa pagsigla ng ekonomiya at sa purchasing power ng mga konsumer.

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva maliit lang ang magiging epekto nito sa inflation at mababa rin ang posibilidad na magdulot ito ng pagkawala ng mga trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *