Dagdag na pondo para sa COVID 19 response ng So.Cot, aprubado na ng PDRRM

KORONADAL CITY- APRUBADO na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato sa isinagawang special virtual meeting kamakailan lamang ang 2021 LDRRMF-IP Trust Fund na nagkakahalaga ng P 40,272,787.

Sa ipinresentang Program Plans and Activities o PPA’s ng PDRRMO, P 5.2 million nito ay bilang suporta sa COVID testing laboratory kung saan bibili ang lalawigan ng 2000 RT-PCR cartridges at 2,308 sets ng Rapid Antigen test kits at iba pang machinery and equipment para sa naturang pasilidad.

Naglaan din ang lalawigan ng P 5,180,000 para sa operasyon ng mga isolation at quarantine facilities sa loob ng anim na buwan.Samantala, umabot naman sa P 18.4 million ang pondong inilaan bilang suporta sa SOCCSKSARGEN General Hospital (SGH), South Cotabato Provincial Hospital, at Polomolok Municipal Hospital.Kabilang sa naaprubahan ang P 6.5 million na ibibili ng 1,300 vials ng Remdesivir, ang anti-viral drug na ginagamit sa paggamot sa mga COVID 19 patients na may malalang sintomas.

May inilaan din ang PDRRMC para sa relief assistance sa mga apektadong pamilya na nagkakahalaga ng P 8 million; financial assistance sa mga pamilya na apektado ng kalamidad P 1.5 million; at suporta sa response operation laban sa African Swine Fever P 1.2 million.Ang 2021 LDRRMF-IP trust fund ay inendorso na sa Sangguniang Panlalawigan para sa adoption at approval.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *