Hiniling ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Budget & Management na madagdagan ng pondo ang National Bureau of Investigation.
Sa pagdinig ng 2023 proposed budget ng Department of Justice nitong Martes ay inihayag ni Sen. Tulfo na dapat magkaroon ng kinakilailangang budget ang NBI na attached agency ng DOJ.
Paliwanag ng mambabatas, nagulat siya nang malaman niya na dalawa lang ang ahente ng Bureau sa Palawan bunsod ng kakulangan ng pondong inaprobahan noon ng budget management ngayong taon.
Idinagdag pa nito na marami ang dumudulog at nagtitiwala sa NBI pagdating sa paghawak sa mga sensitibong kaso sa buong bansa subalit walang sapat na resources at manpower.
Maliban pa sa NBI ay nais din ni Sen. Tulfo na madagdagan ang budget ng Public Attorney’s Office upang mas lalo pang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan.
LEGAZPI CITY – Arestado an 30 anyos na lalaki na kairibahan sa listahan kan drug…
LEGAZPI CITY – Nairehistro sa banwaan kan Tiwi an pangaduwang kaso nin African Swine Fever…
Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang kapin tunga sa milyon…
LEGAZPI CITY – Nakatalaan nang ikondusir sa maabot na Sabado, Mayo 11 an District Election…
LEGAZPI CITY - Tinatayang nasa 200,000-250,000 na mga bagong botante ang inaasahang maidaragdag sa listahan…
LEGAZPI CITY - Gaganapin ngayong araw ang kauna-unahang Magayon Festival Paramotor Airshow o paragliding sa…