Dagdag na pondo sa NBI, hiniling ni Sen. Tulfo; Bureau, 2 lang ang tauhan sa Palawan

Hiniling ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Budget & Management na madagdagan ng pondo ang National Bureau of Investigation.

Sa pagdinig ng 2023 proposed budget ng Department of Justice nitong Martes ay inihayag ni Sen. Tulfo na dapat magkaroon ng kinakilailangang budget ang NBI na attached agency ng DOJ.

Paliwanag ng mambabatas, nagulat siya nang malaman niya na dalawa lang ang ahente ng Bureau sa Palawan bunsod ng kakulangan ng pondong inaprobahan noon ng budget management ngayong taon.

Idinagdag pa nito na marami ang dumudulog at nagtitiwala sa NBI pagdating sa paghawak sa mga sensitibong kaso sa buong bansa subalit walang sapat na resources at manpower.

Maliban pa sa NBI ay nais din ni Sen. Tulfo na madagdagan ang budget ng Public Attorney’s Office upang mas lalo pang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *